10/20/2017

Tula: La Mesa, by AAH, 06.24.06


La Mesa


1. Nanuyo na ang talinhaga
sa mata ng mga musmos
na ang bituka'y
ginasgas ng tutong at
tubig NAWASAng
pinatamis ng Chlorine.

2. Humaharurot palabas
sa gilagid ng kanilang
sikmura ang kamusmusan,
habang walang humpay
na gumuguhit sa inu-ulcer
nilang mga utak ang
mga putang-ina't hayup ka!





6.24.06
11:05 Manila Time
Ermita, Manila