Dumarating ka pala sa pagkakataon na yung mga paborito mo, napagsasawaan mo rin. Dati kasi, baliw na baliw ako sa Keane; tipong sa tuwing maririnig ko ang bandang yan sa Jam o kahit saang estasyon, napapahinto ako talaga namang lumalapit pa ako sa pinagmumulan ng tunog para alang marinig ko yung kanta.
Kunsabagay, nangyayari lang naman yun sa akin kung sunud-sunod na araw ko na silang napakikinggan; sa internet radio, sa celfone ko, sa jeep o sa mga radyo ng kapitbahay. Lilipas ang ilang linggo na di ako makikinig ng Keane sa radioblog.com. Sa halip, magbababad muna ako sa pinoy alternative gaya ng Sugarfree, Rivermaya, Orange and Lemons, Itchyworms at siyempre, Eraserheads. Pero sa kakaiwas ko sa Keane, minsan, lumalabas din sila sa line-up ng mga songs eh, lalo na kung sa celfone ako nakikinig. At dahil Keane addict nga ako, di ko paring mapigilang matunawan ng pagka-sawa ko sa kanila. Mas nangingibabaw yung impact ng mga awit nila noong minsan kong naranasan kung gaano katotoo at kasaklap yung melody at mensahe ng mga kanta nila.
Mas matindi pa noong bagu-bago ko pa lang naririnig ang Keane. Parang umaalon yung dibdib ko; para akong na-depress dahil naka-inom ako ng depressant o nakarinig ng balita na may isang malapit sa puso ko na namatay. Hindi ko alam kung anung klaseng sakit ang "paghilab ng tiyan" kapag nanganganak ang isang babae. Pero kung pagbabasehan ko yung itsura ng isang nanganganak kung umi-iri siya, at kung anong sakit ang humahagupit sa buong katauhan niya, hilab ang sa tingin ko'ng tumpak na salitang tumutukoy sa nararamdaman ko sa tuwing naririnig ko ang mga kanta nila.
Lalo na yung Everybody's Changing.
** ** **
So little time
Try to understand that I'm
Trying to make a move just to stay in the game
I try to stay awake and remember my name
But everybody's changing
And I don't feel the same.
- Keane, Everybody's Changing
Dahil sa kantang yan, napasulat ako ng isang tula. At habang sinusulat ko yung tula na yan, humihilab yung puso ko sa pagka-depress...
akala ko nga tuloy humahagulgol na ako pero hindi pala, sumisikip lang pala ang dibdib ko sa depression.
** ** **
Habang isinusulat ko ito, may nabasa akong bulletin. May tanong do'n.
" 21. has anyone made a poem for you?"
at ang sagot niya:
"- Yes, and they are all well treasured."
Kung alam lang niya...
** ** **
On Remembering my Beloved
By the time you disappear
and fade into beautiful light
all that shall be left of you
would be memories in still scenes
(a play I could restage in my secret theatre for free)
of you coming out of your door
basking in the scent of Victoria's Secret,
countenance glowing with Shiseido's
(and I guess you're likewise laced
with an orange teddy-bear printed undies)
of you surveying the campus grounds,
way up to our class, wisps of your crown
swimming with the crisp, daybreak breeze
(plus clickety-clack goes your Mendrez heels
and of you asserting your discourse
before a class of forty, while I two rows
away gazes awestruck; the trends of our
opinions eventually inflecting towards yours.
(some of which would be left on
cold photographs sheets,
on small coffee talks even.)
* * * *
and so by the time I get tired
of playing your memories over and over
like an old favorite Beeges album,
I shall resign to the stillness
of a lazy wednesday afternoon.
Watch the skies turn gray,
or simply wait for stars to show up.
The dusk shall remind me always
of our real-time presence;
the day when it
was once
you.
January, 2005
San Antonio, Paranaque.

1 comments:
aaawwww...:)
Post a Comment